Thursday, April 12, 2012

Wednesday, April 4, 2012

Sunday, April 1, 2012

Dichotomy

iba na nga ang panahon ngayon....
maaaring ang puso niya ay iyo pero hindi ang kaniyang katawan.
maaari rin naman na katawan na lang niya ang alay sayo pero ang kanyang puso ay may nagmamay-ari nang iba.
malas mo pag nasa pangalawang sitwasyon ka dahil maaaring hindi lang ikaw ang nakikihati sa kanyang latak na katawan. pero masasabi mo bang maswerte ka pa rin kung sayo ang kanyang puso. pwedeng ikaw lang ang may-ari ng kanyang puso. pero ang katawan niya.....tsk tsk tsk...

sa ganitong mga pagkakataon, parang ang isang tao ay maaari mo ng hatiin sa dalawang aspeto. ang kanyang katawan at ang kanyang puso. ano to? mahirap na bang makahanap ng taong buong buo ay sayo.???. iniaalay nga niya ang puso niya sa iyo, pero parang karinderyang bukas sa lahat naman ang kanyang katawan... ibig bang sabihin nito ay may dalawang persona ang isang tao????